Entries for March, 2005March 1, 2005
shit... i'm too damn busy this past few days... i haven't had a good night sleep since last week....
what's worst, i'm about to fail in three subjects, two of which are major subjects.... fuck...
hay naku... kanina wala ako masagot sa exam ko.... for sure, itlog na naman grade ko dun... hay... tapos may quiz pa ako sa major subject ko na 23% lang ang grade... WTF?! tama ba naman yun.... anong klaseng score yun?!?! feeling ko tuloy ang stupid stupid ko na....
tapos this week until next week ang dami kong exam... fuck... paano kaya ako sasagot dun eh hindi ako pumapasok dahil sa harlequin?!?! shit... ayoko bumagsak!!!
yeah i'm kinda frustrated with myself as you can see.... hay... sabi ni RG, masyado daw kasi ako maraming extra-curricular.... sabi niya magquit na daw ako sa Harlequin.... lately daw parang wala na ko halos time para gawin yung mga ginagawa ko before... ewan... naguguluhan na ko....
pero ayoko namang bumagsak... tangina.... nakakahiya na sa mommy ko noh... hay...
bad trip.... hay... for the nth time this week, i wish that i was somebody else...
|
|
March 3, 2005
| Flattery, Relief and Weirdness... |
hay... salamat dahil i was able to answer my exams today.... akala ko wala na naman ako masasagot....
grabe, sobrang sabog ako today... kung ano ano pinagsasasabi ko.... tapos bigla bigla na lang ako nagsasabi nung lines sa play namin.... nakukulitan na nga mga friends ko sa akin.... ewan ko ba.... nagiging schizo na ko.... hahahaha....
si RG nanood ng play ko.... hindi pa rin ako makapaniwala until now.... hehehe... kasi nung ininvite ko siya last saturday, sabi niya he'll try daw.... eh usually pag sinasabi niya yun, hindi siya sumisipot.... kaya nung nakita kong nanood siya ng play ko, natuwa ako.... flattered....  hehe... nagulat talaga ako.... lalo na't nalaman kong wala naman pumilit sa kanya....  hehe... tama na nga ang mushiness na to....
ang kulit ni Rachelle kanina.... kasama niya kasi si LZ, tapos dumaan sila sa harap namin ni Steph.... tapos nung nasa tapat na namin sila sabi ba naman ni Rachelle: "hi KATH!!!!" as in naka-emphasize yung kath..... tama ba naman yun?? baka makahalata si LZ na type ko siya....
actually ayoko na sa kanya.... loyal na ko kay RG.... mahirap na, baka may hindi na naman magandang mangyari.... hehe.... hay miss ko na siya....
|
|
This is a favorite post.
March 4, 2005
ui year-end party ng MAFIA ( MAnagement of Financial Institutions Association) bukas.... tinatamad na kong pumunta kaya lang sayang yung new outfit kong binili.... hehe...
sana pumunta si RG.... i asked him kanina if he'll go, as usual, sabi niya he'll try.... sana pumunta siya para mas happy yung party di ba??
grabe... i'm tired... tatlong mall ang nilibot ko today para lang bumili ng outfit for tomorrow.... sana lang talaga pumunta si RG....
|
|
March 6, 2005
ang saya nung party kagabi.... at buti na lang pumunta si RG... hehe... kala ko hindi niya ko sisiputin...
hay... ang daming magandang nangyari kagabi.... nung una, OP na ko... wala kasi akong ka-close na pumunta sa party... buti dumating si RG... hay...
ang saya... nung una mag-isa lang siya pero sabi niya darating daw high school friends niya... tapos nung dumating na friends niya, pinakilala niya ko sa kanila... funny nga eh kasi parang hindi niya alam kung paano niya ko ipapakilala... hehehe... nakakatuwa...
hay... ang cute niya pa kagabi....  terno pa kami... hahaha.... weird... pag naaalala ko yung mga nagyari kagabi, napapangiti ako... hahaha.... kinikilig talaga ako.... hahaha...
buti talaga pumunta siya... ayaw niya kasi pumunta nung una... tapos sabi ko wala ako ka-close na pupunta.... sabi niya sasamahan na lang daw niya ako.... aww... kinikilig na naman ako...
hindi ko talaga makakalimutan yung gabing yun....
|
|
This is a favorite post.
March 7, 2005
hay... until now, kinikilig pa rin ako... hehe...
magkasama uli kami kanina...  la lang... happy lang ako... kasi bumabalik na sa dati... namiss ko talaga yung ganito eh... yung lagi kaming magkasama... hehe.... hay naku, inaasar pa nga niya ako eh... pero ok lang... at least alam kong ok na uli kami.... hay... *kilig*
ang saya... di ako makapaniwala... parang panaginip lang ang lahat....
hay, nakaka-high....
siguro namiss ko lang talaga siya...
|
|
This is a favorite post.
March 8, 2005
ano ba?? i've have enough to deal with na.... problemado na nga academic life, family life at extra-curricular life ko eh... tapos sasabay pa to...
guess what... nung saturday, ok na kami di ba?? ngayon war uli... oo away kami kanina lang... grr... ewan... ayoko na...
shit... kinakabahan ako sa majors ko... AYOKO NA BUMAGSAK!!!!
seseryosohin ko na nga studies ko... thesis na pa naman next term... yun ay kung wala ako bagsak this term... at mukhang malabo ng mangyari yun... hay....
|
|
March 9, 2005
| Election, Shopping at Lovelife... |
hay naku, general elections na namin ng student council sa school... parang ayoko bumoto pero kailangan ng blockmate ko ang suporta namin... she's running for college assembly president kasi at mukhang malakas yung kalaban niya... so ayun, we have to support her....
sa totoo lang, ayoko sana bumoto... wala lang... hindi ko lang feel... tsaka mukha kasing plastic yung ibang candidates... hahaha... yung iba naman mukhang walang gagawin kundi magyabang....
yung isa nga candidate for batch representative ata yun, classmate ko sa isang subject dati.... eh wala naman ginawa yun kundi magyabang sa class dati eh.... pati nga prof namin nainis sa kanya nun.... so, ano naman kaya gagawin niya sa SC?!?! malamang same thing db??
btw, ang saya.... galing kami divisoria mall kanina... dami ko nabiling earrings.... puro kakikayan lang ata binili namin... hehe....
at bati na kami ni RG... kala ko tatagal na naman yung away namin... buti naayos agad....
|
|
March 9, 2005
I want everyone who reads this to ask me three questions, no more no less. Ask me anything you want.
Ask me in the comment section. I'll answer your questions there too.
tanong lang kayo... i don't bite... mabait ako (pag tulog).... bwahahaha... 
|
|
This is a favorite post.
March 10, 2005
siguro yun na pinakamemorable phonecall ko... hehe... actually, first time naming mag-usap sa phone... hehe... two and a half hours kami nag-usap....
nung una ang topic namin yung SC elections... pareho talaga kami mag-isip... may mga sentiments din pala siya regarding that at pareho kami ng point of view...
see, we have too much in common... kaya siguro lagi kaming nag-aaway... haha... ugali pa lang pareho na kami eh....
anyway, kulit niya kagabi... (eto sample ng conversation namin...)
hehe... ang kulit... ilang beses umulit yan... siguro mga 3 times... tapos the last time na nag-bye siya, funny kasi naghihintayan kami kung sinong first na magbababa... haha... la lang...
natuwa talaga ako... buti tumawag siya...
hay... kanina sabay kami naglunch... nakakainis yun... kinukunan ako ng stolen pictures... kung gusto niya ng pic ko, sabihin niya lang kasi... wag naman stolen... mamaya mukha akong ewan dun... haha...
|
|
This is a favorite post.
March 14, 2005
magkasama kami ni RG buong weekend... LASARET kasi niya eh di ba co-facilitator ako dun... pinilit ko talagang magco-faci sa section niya para mabantayan... hehe... joke lang... siyempre gusto ko siyang makasama kaya dun ako.... pinagpalit ko ang block ko para sa kanya... haha...
nakakainis kasi yung section na lang namin yung di pa umaalis sa school kasi nasira yung bus... dapat 1pm alis na pero inabot pa kami ng 2pm... kaya ayun, medyo inis na mga tao...
nwei, pagsakay sa bus, di pa kami nagtabi... pareho naman kaming walang katabi... here's the funny part.... malapit lang kami sa harap ng bus kaya kita yung mirror... guess what... nagtitinginan kami dun sa mirror... haha...
tapos wala na kami ginawa kundi mag-asaran pagdating dun sa retreat house... nakakainis na nga minsan eh... kasi pagod ako dahil co-faci nga ako tapos inaasar pa ko.... natarayan ko tuloy.... buti hindi nagtampo...
dapat nga magkekwentuhan kami nung gabi kaya lang may mga umistorbo eh... sayang... kaya ayun, pagpunta niya sa room niya, tinext niya ko agad... sa text na lang kami nag-usap... problema?? nawalan ako ng load... dapat kasi mag-sun na siya... hehe...
marami naman magandang nangyari... kahit na busy ako sa co-faci tasks ko, marami pa rin kami moments na magkasama... hehe...
eto yung best part eh... magkatabi na kami sa bus nung pauwi... nagsiksikan kami sa 2-seater dahil ayaw niyang bitawan yung malaki niyang bag... hehe... as in yung tipong gumalaw lang siya ng konti, mahuhulog na ko sa seat... pero ok lang... hehe... ok nga yun eh... haha... sabi nga ni mommy jhen: "kung gusto niyong magsiksikan para madama niyo ang isa't isa, why not?!" hehe...
|
|
This is a favorite post.
March 15, 2005
yes!! absent yung ECONDEV prof ko kanina... buti na lang kasi wala akong assignment... hahaha...
magkasama uli kami ni RG kanina...  hehe... mukhang ok na uli kami... which is good...  kumain kami sa KFC kanina after nung class niya... good mood na siya kanina... although medyo naiinis pa rin siya dun sa topic namin nung Sunday... nainis kasi siya nung Sunday, hindi naman sa akin... basta something is annoying him last Sunday... naawa nga ako kasi sobrang affected siya... kung tutuusin, bale wala lang sa akin yun... hehe... love ko pa rin siya kahit na... basta secret na lang... mahirap na baka may makabasa na di dapat...
grabe talaga... i can't forget the look on his face nung Sunday... hindi ko na nga alam sasabihin ko sa kanya eh... sobrang bad trip siya.... hay, ewan ko ba.... pero naiintindihan ko siya.... nakakainis din naman kasi pero kung sa akin nangyari yun, i think dedeadmahin ko na lang yun... oh well, at least ok na siya kanina.... medyo asar lang sa sched niya next term... hehe...
grabe, we only have one subject in common until graduation.... kukunin dapat namin sa first term tapos classmates kami.... advance enrollee ako so i get to enroll ahead of everyone else... kaya nakukuha ko talaga gusto kong scheds... eh siya sa last day pa ng enrollment kasi may bagsak siya... well, kanina yung enrollment nila at nagclose na lahat ng section ng BUSIPOL (un common subject namin).... so malamang palitan ko na lang yun ng ibang subject.... baka sa second term na lang namin kunin yun...
|
|
March 17, 2005
hay naku... may mga tao talagang sadyang malabong kausap noh... hehe... wala lang... naguguluhan na kasi ako kung magbuBUSIPOL ba kami next term o hindi... pero feeling ko mukhang hindi na... so, kailangan ko ng maghanap ng ipapalit na subject....
grabe, wala na naman siyang load... ibang number na naman pinangtetext niya sa akin... grabe, alam ko na ata number ng buong family nila eh...  anyway, bahala siya... di ko siya bibigyan ng load... hehe... alam ko namang gagawa siya ng way para makausap ako....
anyway, i hate this day.... i hate it.... i hate it... I HATE IT!!!!
bwiset... ewan ko ba... bakit mainitin ang ulo ko lately.... siguro i've had enough to deal with kasi... as in sabay sabay na problema.... minsan parang gusto mo na lang mawala sa mundo para tapos na ang problema.... hay...
we really can't have everything we want... kung kailan umayos na uli ang love life ko, nagkakagulo naman ang family ko at tagilid ang academic life ko....
|
|
March 18, 2005
"kayo na ba??"
ayan... i always hear that question... as in halos lahat ata ng kakilala ko tinatanong ako niyan... maya't maya... ayaw na kong lubayan ng issue na yan... at isa lang lagi sagot ko... "Tanungin niyo siya..."
kanina kasi magkasama na naman kami...
sabi nila mukha daw kami na...
siguro nga MU kami...
ewan... basta masaya ako sa kung ano mang meron kami...
|
|
This is a favorite post.
March 21, 2005
sabi ko na nga ba... nakakapagtaka na we spent a week without a single petty fight... i remember telling Iyah na i'm happy kasi ang tagal na nung last away namin ni RG... saturday un nung sinabi ko yun... saturday afternoon... guess i spoke too soon...
saturday night, magka-ym kami.... anong nangyari?? ayun, nag-away kami... sa ym... siguro it's my fault.... feeling ko sumobra na pagiging makulit at stubborn ko....
he was asking me something kasi... i told him na itetext ko na lang sa kanya kasi i was with Kim... eh medyo confidential kasi kaya ayoko mabasa ni Kim... tapos kinukulit ako ni RG na sabihin na... blah blah... tagal din namin nagkulitan.... (tapos nagsimula na kami mag-away...)
hay... tinext ko siya after that... as in sobrang dami na ng sinend kong text, di pa rin siya nagrereply...  kanina, nagkita kami.... wala... deadma... tumabi siya sa akin pero he never said anything.... hindi ko tuloy alam kung dapat kinausap ko siya... hay... ewan... ayoko na ng ganito... ang babaw naman kasi... in the first place, ang demanding din naman kasi niya... hay... di ko na talaga alam....
|
|
This is a favorite post.
March 28, 2005
wow... it's been a long time since i jotted down something here.... wala lang... i guess i just had to deal with all my problems first before i had the initiative to write it here... basta i don't like what happened during the past few days...  kala ko i won't be able to go through all that stuff but somehow i got past them... well, some of them anyway...  i'm still don't want to go through the details... why should i bore you with them.... plus, i feel sad pag iniisip ko yung mga yun kaya enough of that na.... hehe...
hay... ang holy week natapos na... balik school na naman... and i'm so not looking forward to it... bakit?? kasi tambak ang schoolwork waiting for me...  this is what you get when you choose to study in a trimestral university.... habang nagpapakasaya sa beach ang mga high school friends ko, i'm working my head off sa dami ng projects at exams na naghihintay sa akin... AYOKO NA!!!! GUSTO KO NA MAGBEACH!!!! hay....
speaking of beach, my highschool reunion kami on april 8-9... we'll go swimming, as always.... every year ata ginagawa namin to... hehe... i can't wait... i'm really looking forward to it.... sana lang kasi maraming pumunta.... eh usually kung sino pumunta the previous year, yun din pumupunta uli... pero masaya din kasi i got to bond with my highschool classmates na hindi ko ka-close during highschool...
actually, ang dami nga plans for gimik ng highschool friends ko.... problem is, i still have classes.... oh well... guess i'll have to miss some of the gimiks....
|
|
March 28, 2005
 this is hard... i don't why but i think it's gonna be over soon... really soon....
 kaya ko ba to?? hindi... mukhang hindi... ngayon pa lang naiiyak na ko... nung iniisip ko yun nung weekend, parang ok lang... kaya ko... pero nung kaharap ko siya kanina, masakit pala...
 shit...
|
|
This is a favorite post.
March 31, 2005
that's what i've been feeling lately...
as of this moment, LIFE SUCKS....
somebody save me from my misery...
|
|
|
|
fallen starmy dream is my reality... i live in my own world... far from the trivialities of humankind... criticize me all you want, i wouldn't care less...
I walk this empty street on the boulevard of broken dreams... Don't know were it goes but its home and I walk alone...
|
|
|
*HUGS* TOTAL!
give cute bratinella more *HUGS*
Get hugs of your own
|