MaIn StReEt bLuE pRiNt SnApShOtS CrOsSrOaDs MeMoRy LaNe RaNtS BuDdIeS FrIeNdS oF oLdIeS

Entries for February, 2005

February 1, 2005 This is a favorite post.
Katangahan Ng Puso....
nangyari na ba minsan yung iyak ka ng iyak dahil sa isang taong mahal mo dahil sinaktan ka niya??

ang sakit sakit tapos maiinis ka na lang dahil magtetext siya at "hello" pa lang niya napatawad mo na??


walangya.... ang tanga tanga ko talaga.... aaaarrrghhh... bwiset....



Just once… I want my heart to lead me somewhere where there's a chance of a happy ending...


Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: Losing Grip by Avril Lavigne
Currently Feeling: irritated with myself....
crumbled into pieces at 09:47 PM by cute_bratinella

February 3, 2005 This is a favorite post.
Sad February.....
bwiset... dapat hindi ko na siya iniisip.... i have to move on na.... pero sa tuwing naiisip ko siya, namimiss ko yung friendship namin before.... i miss his company so much....

ang tagal na nito.... dapat by now, over na ko.... it's almost a month na.... pero every time i see him, parang gusto ko siya sabihan na: "ANO BA?! AYAW MO NA BA SA AKIN?!?! KAHIT AS A FRIEND MAN LANG?!" sayang kasi... ang friendship, sobrang sayang....

buti sana kung hindi kami friends before THAT incident happened.... siguro kung hindi kami friends, over na ko sa kanya.... siguro hindi ganon ka sakit.... siguro hindi ganon kalaking kawalan sa buhay ko ang presence niya... siguro it won't feel like i lost half of my life....

pero mukhang he's doing fine without me.... just goes to show na i SHOULD forget about him.... just have to accept the fact na it's all over and hindi na babalik sa dati ang lahat.... it's over at hindi na babalik kahit yun friendship man lang....

This time its over, I'm keeping my heart, I'm gonna be strong, and not fall apart...
It'll get better, I'll no longer cry...
In a couple of weeks, I won't want to die...
I won't want to go back, I'll be able to sleep...
It won't hurt so bad, and I won't feel so deep....


sana paggising ko bukas, sa iba na iikot ang aking mundo....
Book of the Moment: my emails....
Song of the Moment: Can We Still Be Friends
Currently Feeling: depressed
crumbled into pieces at 07:03 PM by cute_bratinella

February 4, 2005 This is a favorite post.
Love Triangle....





ang cute nilang tatlo oh.... love triangle na to.....


Book of the Moment: emails pa rin....
Song of the Moment: Bizaare Love Triangle
Currently Feeling: naughty
crumbled into pieces at 08:24 PM by cute_bratinella

February 7, 2005 This is a favorite post.
Prospective Prospect....
yeah well... i don't know what to call him.... i don't have a crush on him.... yet.... so i gues i can call him my "prospective prospect"..... hehe....

well i just saw him last thursday.... i skipped my third class and hung out with my friends in medrano..... wala nga kami gingawa that time eh.... kaya ayun, palingon-lingon lang ako.... and then i saw him...

he's cute.... pero ciempre parang balewala lang kasi i'm still stuck up with RG.... pero ewan ko ba, siguro fate, kasi that day our paths kept crossing.... as in maya't maya kong nakikita si "cute guy" sa hallways....

sabi ko kay steph, feeling ko nakahanap na ko ng diversion from RG.... it's supposed to be a good thing db??

i was wrong.... i thought mali lang yung iniisip ko pero it's true pala..... kahawig niya si RG!!!! nung una iniisip ko medyo hawig nga sila... sa hair at eyes.... pero inisip ko na lang na namimiss ko lang si RG kaya ko naisip na hawig sila.... pero hindi.... i can't remember exactly but at least 4 persons na nagsabi sa kin na hawig nga sila....

hay.... pano na to?? i guessi'm still stuck with RG huh?!?!
Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: let the love begin
Currently Feeling: tired
crumbled into pieces at 04:12 PM by cute_bratinella

February 9, 2005
Weird....
hay... ang cute ng name nung bago kong crush (oo crush ko na yun prospective prospect ko)..... yun pa naman yung favorite kong guy name.... hehe.... unfortunately, i don't want to reveal his name here for security purposes.... i'll just call him LZ....

HINDI SILA MAGKAMUKHA NI RG!!!!

mabuti naman at na-prove ko na..... hindi talaga.... malayo nga eh.... siguro miss ko lang si RG kaya ko naisip na magkamukha sila....

basta mas cute si LZ kay RG.....

pero weird.... i'm not thinking about RG these days.... pero pag nakikita ko siya sa school, namimiss ko yung dati.... oh well.... hindi na babalik sa dati ang lahat.... kaya i'll focus my attention on LZ na lang....
Book of the Moment: finbank notes....
Song of the Moment: Boulevard Of Broken Dreams by Greenday
Currently Feeling: lonely
crumbled into pieces at 06:20 PM by cute_bratinella

February 10, 2005 This is a favorite post.
Hello and Goodbye.....


HINDI!!! HINDI AKO PAPAYAG!!! HINDI SILA MAGKAMUKHA!!! WALANG KAMUKHA SI LZ!!!!!




grrr.... sige nung una i thought hawig sila.... pero hindi talaga.... it's been a week since i first saw LZ.... at kitang-kita naman na hindi talaga sila magkamukha ni RG....

anyway, i found out na higher batch pala siya... which means he's a year older than me... hmm... i'm really attracted to guys who are older than me.... ewan kung bakit.... basta nung high school ako, lahat ng crushes ko higher batch.... ngayong college lang naman ako natutong magpakatanga sa guys who are my age....

siguro that's the reason why things don't work out the way i want it to be.... kasi hindi talaga ko bagay sa guys na ka-age ko....

anyway, nung nalaman ko na he's older than me, mas na-attract na ko sa kanya.... hehe....


plus... i really like his eyes.... ang ganda.... sarap titigan....


inspired nga ako magquiz sa finbank kanina.... kasi magkatabi yung rooms namin tuwing 7:40 TH class.... eh wala pa ata prof nila kaya nakatambay siya sa labas ng room.... tapos nakikita ko siya habang nagtetest ako.... hehe.... hay.... crush ko na talaga siya....

pero i won't deny the fact na gusto ko pa rin si RG..... speaking of RG, feb 10 ngaun noh?? hay... 2 years na pala akong nagpapakatanga sa kanya.... and i'm planning to stop that right now.... kaya ifofocus ko na lang ang attention ko kay LZ.....
Book of the Moment: notes....
Song of the Moment: don't know what say
Currently Feeling: confused
crumbled into pieces at 09:43 PM by cute_bratinella

February 11, 2005
Wish Necklace....
sayang.... hindi ko nakita si LZ today....

malapit na ang play namin.... sana naman maraming manood.... excited na ko....

btw, may bago ako necklace.... hmm... sana nga effective yun.... wish necklace kasi siya.... you'll make a wish tapos pag suot mo daw yun necklace, parang yun yung mag-aattract dun sa wish mo.... at magkakatotoo DAW.....

well sana nga magkatotoo wish ko....
Book of the Moment: notes....
Song of the Moment: wala eh....
Currently Feeling: confused
crumbled into pieces at 04:09 PM by cute_bratinella

February 12, 2005
I Hate V-day....
ewan... obsessed na ata ako kay LZ..... maya't maya ko siyang naiisip.... masama ito.... tsk tsk....

on the other hand, ok din yung ganun kasi hindi ko na naaalala si RG....

hay malapit na ang valentines..... and i'm actually dreading the day..... ewan ko ba.... gusto ko pumasok so i can see LZ na.... pero at the same time ayoko din pumasok lalo na't araw ng mga puso.....

i'm planning to send a card to LZ on monday..... as in planning..... sana lang magawa ko..... anyway, hindi naman ako magbibigay sa kanya personally kaya ok lang.... tsaka di niya naman marerecognize handwriting ko kasi hindi naman kami magkakilala....

hay hanggang august na lang pala siya sa school.... 6 months ko na lang siya makikita.... ang sad noh??

basta dapat before he graduates, magkakilala na kami.... sabi ni Che gagawa daw siya ng way para maging friend ko si LZ.... sana effective....

hay, la pa ko plans for v-day.... magmumukmok na lang siguro ako..... ni hindi ko nga alam kung dapat ko ba bigyan ng gift si RG eh.... oh well, wag na lang siguro.... i'm sure di naman niya ko bibigyan ng v-day gift eh....

shit.... ang gulo..... aaaarrrggghhh.....
Book of the Moment: emails.....
Song of the Moment: wala.... tahimik eh....
Currently Feeling: cynical
crumbled into pieces at 02:51 PM by cute_bratinella

February 14, 2005 This is a favorite post.
Sad Hearts Day.....
sabi ko na eh.... i hate valentines talaga.....

paggising ko pa lang, pakiramdam ko it's the end of the world....

binigyan ko ng card si RG.... kahit na alam kong balewala naman sa kanya yun.... buong araw ng sunday ko ginawa yun card na yun.... sana man lang na-appreciate niya.... pero mukhang hindi.... hindi nga niya ko tinetext eh.... if i know, tinapon na niya yun....

at nalaman ko pa na may girlfriend na si LZ.... sabi ko na nga ba.... napaka-imposible naman kasi na wala pang girlfriend yun.... at least nalaman ko na agad.... anyway, it's not a big deal naman since crush ko lang naman siya.....

at alam ko naman na kahit baliktarin pa natin ang mundo, si RG pa rin laman ng puso ko.... tangina.... ayoko na ng ganito.... gusto ko na siya kalimutan....

kung ganun lang kasi kadali, eh di sana matagal na siyang nabaon sa limot....

fuck valentines...


Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: sad love songs....
Currently Feeling: pissed with valentines...
crumbled into pieces at 09:31 PM by cute_bratinella

February 15, 2005 This is a favorite post.
SAYANG!!!!!
AAARRRGGGHHH!!!!!!

sayang.... as in sobrang sayang... ang tanga tanga ko kasi....

kanina nakatambay kami nila kim sa LS bench.... hinihintay pa namin si aka.... tapos umupo ako dun sa stone bench opposite sa bench na inuupuan nila kim.... tinatanaw ko kasi si LZ.... haha... nasa second floor kasi siya.... lumingon ako kay kim tapos sabi ko: "kim dito muna ko ha".... sabay lingon kay LZ.... the next thing i know, someone was standing right in front of me and is actually talking to me..... sino?? c RG....

RG: oi kath ikaw ba ung...
AKO: hindi... hindi ako yun... (defensive )
*at this point, naglaho na si LZ sa second floor... pero tingin pa rin ako ng tingin dun until the end of our conversation.... dahil di ako makatingin ng diretso kay RG pag nagsisinungaling ako....*
RG: kasi may nagbigay na naman sa kin ng load....
AKO: hindi ako un....
RG: di ba dati binigyan mo ko ng load??
AKO: dati yun... di ako yun ngayon... pramiz hindi talaga... (hirap magsinungaling noh!!!)
RG: hmm... sino kaya yun?? 30 pesos din yun... sayang nabura ko na yung number....
*moment of silence*
AKO: si aka?? (changing the topic bago tuluyang mabuking)
RG: nandun ah... (turo kina kim)
AKO: wala naman eh....
RG: oo nga noh... pero kanina pa umalis ng room yun... nauna pa sa kin.....
*more moments of silence*
RG: may klas ka pa??
AKO: wala na.... ay meron pa mamaya 7:40.... finbank....
RG: ah....
*moment of silence uli*
RG: san kayo ngayon?? kain kayo??
AKO: oo...
*another moment of pure silence*
RG: sige, uwi na ko... bye...
AKO: bye...

tanga ko... dapat ata niyaya ko siya sumama sa min.... sabi ni kim sa kin naghihintay daw yun na invite ko siya kaya tatayo-tayo pa siya sa harap ko.... aaarrrggghhh.... sayang....

sayang talaga.... lost opportunity.... how sad.... kung di lang talaga ko inatake ng hiya kanina..... hay.... sayang.... baka yun na yun start para maayos ang lahat....

and i let it slip through my hands.... damn....
Book of the Moment: emails.... di na naubos mail ko....
Song of the Moment: ingay ng aircon sa comp lab....
Currently Feeling: sobrang nanghihinayang...
crumbled into pieces at 06:54 PM by cute_bratinella

February 17, 2005 This is a favorite post.
Sayang (Round 2)...
aaarrgghh.... bwiset.... nabura yung tinype ko eh di ko pa napopost... oh well... ulitin na lang....

sobra na ata ang katangahan ko..... umabot pa ito hanggang kahapon.... sana naman matino na ko today.... ano nga bang nagyari kahapon?? well, nagparamdam lang naman uli si RG.... at siyempre, umiral na naman ang katangahan ko....

ganito kasi yun.... nakatambay kami nila aka at kim sa medrano.... tapos biglang sumulpot si RG....

RG: ui gusto niyo bang mag-aral habang kumakain?
*deadma lang ako... hindi ako sumasagot.... nagsusulat lang ako sa notbuk*
RG: sige na.. di pa ko kumakain.... la kasi akong kasama...
*deadma pa rin ako.... patuloy sa pagsulat ng walang kwentang mga bagay.... kunwari hindi nakikinig.... the next thing i know, he's gone....*

oh di ba ang tanga ko.... sabi ni kim, dapat daw sinamahan ko... obvious naman daw na nagpaparinig sa akin eh.... hay.... ANG TANGA KO!!!!

sayang.... sayang.... sayang..... puro panghihinayang na lang.... hay.....

sana mamaya, if ever magkita kami, matino na ko.... tama na yung two days akong tanga....

pahabol:
(i know this is insignificant with my entry pero i just have to say it!!!!)
KATABI KO SA COMPUTER LAB SI LZ NUNG TINATYPE KO TO!!!!!
Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: ingay ng aircon...
Currently Feeling: nanghihinayang pa rin....
crumbled into pieces at 02:42 PM by cute_bratinella

February 19, 2005 This is a favorite post.
I've Had Enough Of You....
hay naku... hindi ko alam kung bakit kailangang problemahin ang impression ng ibang tao about ourselves.... personally, wala akong pakialam kung anong tingin ng iba sa akin.... kung gusto nila ako, eh di gusto.... kung ayaw eh di ayaw....

i'm not here to please others naman eh.... yun yung ayoko.... hindi ko babaguhin ang sarili ko para lang sa isang tao....

oo, brat ako...

oo, may pagka-snob ako...

oo, weird ako...

oo, majority ng beliefs ko eh "uncommon" for most people....

oo, palaban ako...

oo, namimili ako ng taong pagkakatiwalaan...

oo, minsan malabo akong kausap...

oo, immature ako...

at oo, madalas akong misunderstood...


alam ko.... alam kong hindi kagandahan ang ugali ko... that's why i'm really thankful sa lahat ng tao na nagtitiyagang makipagfriends sa kin....

HINDI NAMAN KITA PINIPILIT NA SAKYAN ANG UGALI KO.... NEVER KONG DINEMAND KAHIT KANINO NA KAIBIGANIN NIYO KO.... OO MAHIRAP AKONG INTINDIHIN.... KAYA KUNG HINDI MO KO KAYANG PAKISAMAHAN, I CAN'T DO ANYTHING ABOUT IT.... JUST LEAVE ME ALONE.... HINDI KA MALAKING KAWALAN SA BUHAY KO...

hay naku, bakit ba may mga taong sobrang mag-criticize ng iba pero pag tiningnan mo sila, ang dami-dami rin namang kapintasan?!?!

kala mo kagandahan ang ugali, EH MAS PANGIT PA NGA UGALI MO COMPARED SA KIN EH!!!! MAS MARAMI NGA INIS SA IYO COMPARED SA KIN EH....

hay ewan.... pwede look at yourself muna bago mo lait-laitin ang pagkatao ko!!!! last year pa ko nagtitimpi sayo.... pinalalampas ko lang dahil may mga pumipigil sa kin.... pero siguro it's time na.... i won't let this pass.... wait ka lang.... PUNONG-PUNO NA KO SAYO!!!!
Book of the Moment: a letter....
Song of the Moment: wala...
Currently Feeling: provoked....
crumbled into pieces at 10:44 AM by cute_bratinella

February 22, 2005
I'm So Tired...
hay... medyo stressed na ko sa dami ng ginagawa ko... midterm week na kasi... dami kailangan academic-wise tapos may mga rehearsals pa for the play... sa thursday na kasi yung first show... can't wait for it...

critics' night namin kagabi... pinanood ng mga prof yung play... well, when you're on stage, hindi kita yung audience kasi nakaharap sayo yung lights... kaya di ko lam kung sino-sinong prof yung nandun... nalaman ko lang after nung run, when it's time for them to share their comments na nandun pala yung LITERA2 prof ko... wala lang... nagulat lang ako... eh medyo asar pa naman ako sa kanya nung time na prof ko siya... hehe...

regarding RG, wala... wala na ko masabi... di na kami nagkikita eh... busy kasi ako kaya hindi na ko nakakatambay kung saan saan... basta ang alam ko nung last time kami nagkita, balik na naman sa dati... di na naman kami nagpansinan... weird talaga...

si LZ, naka-red kahapon... terno kami... sabi nila kim, kahawig daw ni weng si LZ... hahaha... ewan... siguro dahil pareho silang mestizo... hehe... anyway, ok lang yun... at least hindi si RG kamukha niya...

about naman dun sa bwiset kong "kaaway"... well, pinaandaran na naman kami ng "paawa effect" niya... well, i'm sorry but it's really not working this time... get lost... oops... take that back... baka sabihin niya eh "i'm pushing her away from the group"... bwahahaha...

ang kukulit namin noh... hay, can't wait for showtime...
Book of the Moment: letters...
Song of the Moment: ??????
Currently Feeling: restless
crumbled into pieces at 08:10 AM by cute_bratinella

February 22, 2005
Deadmahan Blues...
hay naku... so balik na naman sa dati ang lahat... deadmahan blues na namanang drama namin...

kanina, nakaupo kami nila aka at kim dun sa ls bench... dun sa same bench kung saan ako kinausap ni RG... tapos nakita ko siyang padaan sa harap namin... well, dun pa niya napiling huminto sa harap ko upang "makipaglandian" dun sa isang girl... hehe... panget ng term ko... oh well, la ako maisip eh... basta after nila mag-usap nung girl, nilagpasan niya lang ako... wala man lang bati or whatever... so where back to ignoring each other...

hindi ako nainis dahil nagselos ako... nainis ako kasi naalala ko na naman yung dati... yung mga sinayang kong chances... bwiset... so ngayon poproblemahin ko na naman yung hindi namin pagpapansinan... damn...

2 days to go before our first show... sana naman marami manood... ikaw, oo ikaw na nagbabasa nito... baka you'd want to watch our play... sa DLSU... hehe... ano ba yan... mag-advertise daw ba?! basta if anyone is interested na manood ng play sa De La Salle University-Manila, send me a message...

hay naku, hindi ko ineexpect na magiging super active ang ygroup ng barkada dahil lang sa away... pero tama lang yun... things need to be said na... before it blows out of proportion...

pero dapat ba hindi pa rin ako nagreact?? dapat ba pinalampas ko lang uli?? dapat ba nagpatay malisya na lang uli ako?? ewan...

ANG GULO NG MUNDO!!!!
Book of the Moment: script sa play...
Song of the Moment: Suntok Sa Buwan by Session Road
Currently Feeling: sad
crumbled into pieces at 10:31 PM by cute_bratinella

February 28, 2005
Tired....
waaaaaaaaahhhh.... hindi ako pumapasok sa classes ko last week dahil excused abscence kami because of our play.... guess what?? this week papasok na ko at tatlong exam ang sasalubong sa pagbabalik ko.... ang saya noh?!

i'm sick... nilalagnat na ako.... sobrang pagod na kasi... biruin mo, busy sa play tapos may LSPO pa ko... eh co-facilitator ako ng LASARET nitong weekend... hay.... imagine, play namin nun friday tapos saturday morning may LASARET ako.... pagbalik ko ng Manila nung sunday, hindi na ko makatayo sa sobrang pagod...

pumunta nga si Kim sa room ko.... tapos, nakahiga lang talaga ako.... hindi talaga ko makatayo.... parang naubos energy ko.... hehe....

pero nag-enjoy din naman ako sa LASARET kasi mga batchmates ko yung participants.... plus CBE din kaya dami ko kakilala....

btw, mukhang ok na uli kami ni RG.... nagtetext na uli siya.... sana lang pag nagkita kami later ok na talaga.... baka mamaya magkahiyaan na naman kami.... bwahahaha... labo talaga namin....
Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: The Search Is Over (si kim kasi eh)
Currently Feeling: tired
crumbled into pieces at 01:20 PM by cute_bratinella


fallen star
my dream is my reality... i live in my own world... far from the trivialities of humankind... criticize me all you want, i wouldn't care less...

I walk this empty street on the boulevard of broken dreams... Don't know were it goes but its home and I walk alone...
your name:

url:

your message:



*HUGS* TOTAL!
give cute bratinella more *HUGS*
Get hugs of your own

Blogarama - The Blog Directory