MaIn StReEt bLuE pRiNt SnApShOtS CrOsSrOaDs MeMoRy LaNe RaNtS BuDdIeS FrIeNdS oF oLdIeS

Entries for January, 2005

January 6, 2005 This is a favorite post.
Broken Dreams.....
hindi ko alam kong anong dapat kong isipin.... this is the first time na pinadalhan niyan ako ng ganitong type ng quote.... kagabi, inisip ko na wala lang yun.... na baka finorward lang talaga niya..... this morning na-realize ko na maybe pinariringgan na niya ko..... i guess totoo.....

"nakailang iyak na ba tayo sa taong mahal natin?? siguro hindi na natin mabilang.... pero sa bawat tulo ng luha, natututo ba tayo?? bobo kasi tayo pag naiinlove.... minamahal natin yung di tayo mahal...."

siguro nga totoo..... masakit pero i guess i have to accept the fact na wala talagang pag-asa...... alam kong he knows na i've fallen for him..... and the fact na he sent me that, somehow made me rethink the whole situation.....

siguro i'm just really stupid..... hindi kasi ako dapat umasa..... i kept saying na hindi ako aasa sa iyo.... pero in the end, i still did..... damn it!!!!

hindi dapat ako naniwala sa mga friends natin..... lahat sila iniisip na magkakatuluyan na tayo.... i'm so stupid because i believed it myself..... sabi ko na nga ba, hintay ako ng hintay pero wala naman pala akong hinihintay....

ano ng gagawin ko ngayon??? i'm in too deep..... how long will it take to heal my broken heart??? dapat i stood with what i believed in.... hindi dapat ako umasa.... hindi dapat ako nakinig sa kanilang lahat..... ngayon, wala na..... hindi na ko makabitiw sa iyo.... pero susubukan ko..... i'm sick and tired of this whole shit.....

the dream is over.... i've crashed back to reality and bruised my heart in the process..... sana madaling lumimot at magmove on noh?? sana with a snap of my fingers, mawala nalang lahat.....
Book of the Moment:
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: hurt
crumbled into pieces at 07:28 PM by cute_bratinella

January 7, 2005 This is a favorite post.
Letting Go....
ewan ko.... hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.... i want to forget him na.... sana lang talaga ganun kadali ang paglimot.... sabi ko nga kanina, balik na ang pagkakacrush ko kay LDV..... pero hindi eh.... hindi naman kasi napipilit ang paglimot..... kaya kahit iniisip kong crush ko si LDV, deep inside si RG pa rin ang laman ng heart ko.... bwiset....

kanina tinext ako ni RG.... hindi ako nagreply.... nagalit kaya siya??? teka, ano nga bang care ko kung magalit siya.... dapat wala na kong pakialam sa kanya....
Book of the Moment:
Song of the Moment: Dream Of Me by Kirsten Dunst
Currently Feeling: broken....
crumbled into pieces at 04:27 PM by cute_bratinella

January 7, 2005
Broken Promise.....
hay.... mukhang pinahihirapan talaga ko ng tadhana.... i've been trying to avoid RG all day.... pero our paths kept crossing....

at siyempre na-break ko na yun promise ko to myself na i won't get involved in anything na may kinalaman kay RG..... kasi naman, naiwan niya yung iba niyang things sa school.... eh he left na pala.... so ayun, he texted me and asked me to get his things..... hay kung hindi lang kita love, di ko na yun kukunin noh.... bahala na lost and found..... pero dahil IKAW nga yun, pinuntahan ko na at kinuha yung things.... hay, it just goes to show na hindi kita kayang tiisin....

damn it....


Book of the Moment:
Song of the Moment:
Currently Feeling: disappointed
crumbled into pieces at 06:55 PM by cute_bratinella

January 8, 2005 This is a favorite post.
Sad Movies....
hay.... sad pa rin ako.... kaya eto, puro sad quotes from movies ang feel ko ilagay dito....

The only wrong thing would be to deny what your heart truly feels - THE MASK OF ZORRO
-----hmm... hindi ko naman dinedeny na love ko pa rin si RG eh..... i just want to forget him.....

If you love someone you say it,... you say it right then, out loud,... or the moment just... passes you by. - MY BESTFRIEND'S WEDDING
-----hay.... i told him didn't i?? pero ano bang nagyari?! gumulo lang lalo..... oh well....

When you realise you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible. - WHEN HARRY MEETS SALLY

You cannot find true love where it does not truly exist and you cannot hide it where it truly does. - KISSING A FOOL
-----what if mukhang meron pero wala naman talaga di ba?! hay....

Don't forget. I'm just a girl standing in front of a boy...asking him to love her. - NOTTING HILL
-----eh it looks like he has no intentions of loving me naman eh.....
Book of the Moment:
Song of the Moment:
Currently Feeling: sick of this shit....
crumbled into pieces at 05:09 PM by cute_bratinella

January 10, 2005
Should I or Should I Not???
hay, anong nangyari?? bakit nag-iba yung site ko?? buti na lang na-import ko yung old template ko.... phew!!

lumipat na ko sa dorm kahapon.... mag-isa lang ako sleep dun kagabi kasi wala si Kate... ano ginawa ko kagabi?? wala nag-isip na naman.... pansin ko, i've been doing alot of thinking lately....at least na-prove ko na i do have a brain.... hahaha....

nagkita kami ni RG kanina.... bwiset.... ang cute niya talaga.... kinuha na niya yung things niya na naiwan niya nun friday..... i really don't know what i should do.... gusto ko na siya kalimutan.... pero i won't deny na there's a part of me na nagsasabing hindi ko pa siya dapat i-give up.... whatever.... all i'm sure of is that nasasaktan na ko at gusto ko na lang matapos ang lahat.....
Book of the Moment: Stargirl
Song of the Moment: Wherever You Are by Southborder
Currently Feeling: restless
crumbled into pieces at 04:41 PM by cute_bratinella

January 10, 2005
Harlequin....
hay naku.... ang gulo gulo na ng mundo ko.... hindi ko na alam kung i'm supposed to be happy or sad....

let's start with the sad part.... as usual, i'm still very much confused with this whole issue with RG.... a lot of people kept on telling me not to give him up.... gusto ko na talaga siya kalimutan.... sana lang kasi it would be as easy as snapping my fingers di ba?? i'm pretty much trying to avoid him.... yeah, trying would be the best word to describe it..... pero di ko talaga siya maiwasan completely.... oh well, destiny really has a way of making life complicated for most people....

and then, tambak pa ang books na dapat kong basahin for my classes tomorrow.... shucks.... kung kailan ako tumanda, doon pa ata ako mawawalan ng social life....

pero every sad thing that happens, may corresponding happy thing.... hehe.... i don't know why pero i'm feeling kinda happier today compared to the past few days.... i'm still devastated with the whole RG issue, but i'm not dwelling much on it.... puhleez.... i have other things to deal with.... my world doesn't need to revolve around him..... i know it seems that way during the past weeks, but it's gonna change now....

GOD HELP ME....
Book of the Moment:
Song of the Moment:
Currently Feeling: melancholy
crumbled into pieces at 06:57 PM by cute_bratinella

January 11, 2005
In Hell....
international economics 9:40-11:10
econometrics 11:20-12:50
negotiable instruments 1:00-2:30
economic development 2:40-4:10
break time 4:20-7:40
banking 7:40-9:10

ayan.... ganyan ang sked ng klase ko tuwing tuesdays and thursdays..... ang saya noh.... 6 hours straight yung first four subjects ko.... grabe noh.... kulang na lang tumira na ko sa skul.... pero bumawi ako, kasi pag mondays, wednesdays and fridays, isa lang subject ko....

financial intermidiaries 4:50-5:50

bwiset noh....


aside sa mala-impyerno kong sked, ang dami-dami pang reading assignments..... wala pa nga kaming one week pumapasok, pero super dami na ng projects na naka-pile up.... grabe, kung kailan ako tumanda, ngayon pa ata ako mawawalan ng social life.... hay....
Book of the Moment: girlfriends
Song of the Moment: colour everywhere
Currently Feeling: irritated
crumbled into pieces at 06:54 PM by cute_bratinella

January 11, 2005 This is a favorite post.
Sigaw....
hay naku.... alam niyo ba naging horror movie scene yung dorm namin kagabi.... ganito kc un.... gusto na matulog ni Kate so sabi ko i'll put out the lights na.... so pinatay ko na nga yung lights at humiga na ko.... tapos napansin ko parang may xmas lights ata.... napatingin ako sa light namin and i saw na nagbi-blink yung light....

kinabahan ako kasi baka may electrical malfunction or whatever the hell you call it.... basta inisip ko na baka may problema yun kuryente at i'm scared silly because of it.... so i asked Kate kung talaga bang ganun yun light sa room.... guess what she did....

nagsisigaw ba naman..... wag ko daw siya takutin.... huh?! eh seryoso kaya ako.... kala niya tinatakot ko lang siya..... hay.... it took me about 10 minutes bago siya ma-convince na i was dead serious about it.....

katext ko nga si RG kagabi about it.... ang loko gumatong pa.... nagtext pa ng mga scary na messages para sabihin ko kay Kate....

pero natuwa ako na tinetext niya ko ha.....
Book of the Moment: girlfriends
Song of the Moment: colour everywhere
Currently Feeling: ecstatic
crumbled into pieces at 08:34 PM by cute_bratinella

January 12, 2005
My Stupid Mistake....
"alam ko namang nararamdaman mo na may gusto ko sayo... sa mga tingin ko, sulyap ko, mga titig ko sayo... alam kong nakikita mo yun.... alam mo naman na mahal kita di ba?? di ba pwedeng ikaw rin??"

bwiset... ang gulo gulo na ng life ko.... hay.... hindi ko naman sinasadyang isend sa kanya yun eh.... hindi na nga muna ko magloload para hindi ako natetempt magtext ng kung ano ano....

yoko na.... naguguluhan na talaga ako.... hindi ko na alam kung anong dapat kong sabihin pag tinatanong niya ko.... hay....
Book of the Moment: reality check
Song of the Moment: Wherever You Are by Southborder
Currently Feeling: uncomfortable
crumbled into pieces at 09:50 PM by cute_bratinella

January 12, 2005 This is a favorite post.
Is This True???
"why don't we always know when love begins but we always know when it ends???"

I think so.....
Book of the Moment: Reality Check
Song of the Moment: Dream Of Me by Kirsten Dunst
Currently Feeling: contemplative
crumbled into pieces at 10:06 PM by cute_bratinella

January 13, 2005
When Will This End???
ang gulo na.... hindi na kami nagpapansinan.... hay.... sabi nila, dapat daw kasi pag-usapan na namin ni RG yung issue.... hay... easier said than done... gusto ko na rin siya kausapin about it pero pag nandyan na, hindi na ko makareact.... di ko na alam isasagot o sasabihin ko.... siguro di pa talaga ko ready.... i need time to think....

umattend ako ng rehearsal ng play kanina.... masaya.... narealize ko na two meetings na pala akong hindi pumupunta.... nakakamiss pala.... pero i had to leave early din kasi may class pa ko.... next week na daw uli ang rehearsals.... can't wait.... sana marami manood ng play namin.... baka may gusto manood dyan.... just send me a message.....

btw, bad trip yung ECONDEV ko kanina.... nagpuyat ako kagabi para basahin yung super haba na reading assignment.... yun pala next week pa due yun.... sabi ng prof mali daw pala tingin niya sa sched namin.... aaarrgghhh.....
Book of the Moment: Reality Check
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: numb
crumbled into pieces at 10:18 PM by cute_bratinella

January 14, 2005
Life Sucks....
ang sad naman... uso ba ang pagiging miserable at depressed ngayon?? bakit parang lahat ng nakapaligid sa kin ay depressed?? i'm depressed na nga tapos lahat pa ng friends ko depressed.... ang sad noh??

hay... siguro tama nga... misery loves company.... pero ayoko naman ng ganito.... i guess i have to talk to RG na talaga.... dapat maayos na yung issue para hindi "hanging" yung relationship namin dalawa.... hindi ko na nga alam kung saan ako lulugar eh.... or kung may place pa nga ba ako??
Book of the Moment: Reality Check
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: depressed
crumbled into pieces at 04:08 PM by cute_bratinella

January 15, 2005
Singing My Heart Out....
hay naku... videoke session na naman kami last night kaya ngayon medyo hirap ako magsalita.... napaos ata ako.... hehe....

masaya na sana kaya lang hindi rin.... hehe.... labo....

si Ria hindi sumipot.... kaya nga kami nagsched ng videoke session, para icheer up siya.... tapos hindi ba naman nagpakita sa amin.....

kagabi mag-isa lang ako sa dorm.... umuwi kasi si Kate sa QC.... hay sana pala umuwi ako sa bahay.... kaya lang ganun din... mag-isa rin ako dahil lahat ng tao sa house eh nasa tagaytay since yesterday..... so either mag-stay ako sa dorm or sa house, home alone ang drama ko..... kaya ayun, drama mode ako kagabi.... depressed pa rin eh....

pero at least nag-improve na kahit papaano..... katext ko si RG kagabi.... at least nalaman ko na hindi naman siya naiinis na ayaw kong sagutin yung question niya nung wednesday.... pero hindi ko pa rin sinagot kahit na he asked it again last night.... sabi ko next time na lang, pag hindi divided yung attention ko.... mahirap kasi makipag-heart to heart talk habang nasa videoke room db??? haha....
Book of the Moment: Reality Check (ang tagal ko ba magbasa?? hehe)
Song of the Moment: How Do I Live by Leann Rimes
Currently Feeling: pensive
crumbled into pieces at 09:30 AM by cute_bratinella

January 15, 2005
Perfect....
yehey... ok na kami.... i gave RG a letter kanina... sinabi ko na lahat ng pwede kong sabihin.... i explained my side na... and he seems cool with it.... so i guess everything would be okay from now on.... di ba masaya?? hehe....

kanina nga iniisip ko kung anong gagawin ko... para kasing gusto ko muna siya iwasan.... sabi niya wag daw... hehe....

ask nga ko ni Ria kung kami na daw.... sabi ko hindi ko rin alam.... haha.... ewan.... whatever.... basta i'm happy na.... at last tapos na ko magdrama.... hehehe....
Book of the Moment: Reality Check (yap, un pa rin...)
Song of the Moment: hmm... nothing in particular... iba-iba naiisip kong songs eh...
Currently Feeling: pleased
crumbled into pieces at 07:47 PM by cute_bratinella

January 17, 2005
Tired or Happy??
hay.... ngarag na ko sa dami ng kailangan gawin....

kahapon nag-alaga ako ng "special child".... mentally retarded ata yun... basta nagvolunteer ulit ako sa For The Kids.... ang saya.... kapagod pero nandun pa rin yung satisfaction na nakagawa ka ng maganda for others.... hehe....

di pa ko nagdidinner.... grabe noh.... umattend kasi ako ng rehearsals ng play namin.... hay.... kapagod pero masaya....

marami naman ganun eh.... maraming nakakapagod gawin but in the end, you'll end up happy doing it....

hmm... parang love din.... minsan nakakapagod na magmahal ng isang tao.... pero in the end, magiging happy ka rin na minahal mo yung person na yun.... kahit na hindi maging kayo.... at least, at one part of your life, napasaya ka niya.... hay.... senti ko ata.... tired lang siguro....

ah basta.... happy na ako.... i'm tired of pleasing and waiting for others.... siguro i'm moving on na.... sana....
Book of the Moment: wala.... la na ko time to read...
Song of the Moment: Dream Of Me by Kirsten Dunst
Currently Feeling: tired
crumbled into pieces at 10:07 PM by cute_bratinella

January 19, 2005
Don't Keep Me Hanging....
hay.... kala ko happy na.... bakit ganun?? hindi na nia ko pinapansin?? ano bang ginawa ko?? mali ba na minahal ko siya?? ang gulo na uli.... bwiset..... ayoko na nga.... siguro i really have to move on na lang.....

pero may bagong problema.... may kumakalat na atang chismis na kami na daw.... narinig na kaya niya yun?? baka isipin niya ako nagpasimula nun?? hay....

di ko alam kung anong dapat kong gawin about it.... ang dami na nagtatanong sa akin kung kami na nga.... anong isasagot ko?? hindi.... tama, sasabihin ko hindi.... langya naman.... ni hindi ko nga alam kung saan ako lulugar?? para akong nakabitin....




ayoko na.... panahon na para magising sa pagkakahimbing ko.... all this time, i've been living in this dream.... at ngayong naging nightmare na, siguro tama lang na gumising na ako.....
Book of the Moment: Vince's Life
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: exhausted
crumbled into pieces at 06:42 PM by cute_bratinella

January 20, 2005
Is This The End???
bwiset... hindi ko na alam ang gagawin ko?? aasa ba ko at maghihintay o igi-give up ko na siya?? hay.... ang hirap talaga ng nakabitin sa ere....

humihingi nga ako ng help kay kuya jofel eh.... pero binalik niya lang yung tanong sa kin.... ano daw bang gusto kong gawin.... duh?! di ko nga alam eh... kaya nga humihingi ng help.... si kuya talaga..... kaya nga ako sa kanya humingi ng help kasi pareho kami ng situation.... ang pinagkaiba lang, ok na sila nung girl.... at happy na sila.... samantalang kami ni RG, sobrang labo pa rin.... hindi ko na alam kung ano bang lagay ko....

langya naman kasi eh.... kala ko ok na ang lahat.... tapos bigla nagdedeadmahan na naman kami.... what was that?? ano na naman bang ginawa ko na hindi niya nagustuhan?? buti nga nag-eexert ako ng effort para sa amin.... eh, siya?? ano bang ginawa niya?? wala nga eh.... parang balewala na ko sa kanya....

siguro nga tapos na.... ni hindi ko man lang na-enjoy..... bigla na lang ako nagising isang araw na tapos na ang lahat.... mukhang nagmove on na siya.... siguro hindi na niya ko iniisip.... habang ako, eto nandito pa rin.... wala na kong kasama.... mag-isa na lang akong nakakapit sa alaala nating dalawa....
Book of the Moment: wala... ayokong magbasa....
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: sad
crumbled into pieces at 06:54 PM by cute_bratinella

January 21, 2005 This is a favorite post.
The Awakening.....
hay ayoko na talaga ng ganito.... ako na ang tatapos sa sarili kong paghihirap.... kung ayaw niya ko bigyan ng straight answer, pwes ako magbibigay....

i'm sick and tired of this shit.... mahal na mahal kita pero mukhang hindi ka pa rin makapag-decide kung ano ba talaga tayo.... well, pagod na kong maghintay sayo.... nasasaktan lang ako sa ganito.... nakabitin.... kaya't hangga't maaga pa, i'll try to move on na....

"i walk this empty street on the boulevard of broken dreams...." hay.... kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na wala ka sa tabi ko.... mag-isa na naman ako naglalakbay..... dahil mukhang ayaw mo na akong samahan..... salamat na lang sa mga memories....


oops.... ang drama na masyado.... hehe....

starting today, kakalimutan ko na siya.... promise.... i'll try my best.... pagod na kong masaktan.... it's about time na pasayahin ko naman ang sarili ko....
Book of the Moment: wala pa rin... still not in the mood to read...
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: numb
crumbled into pieces at 04:15 PM by cute_bratinella

January 22, 2005
Getting My Life Back....
hmm... gumawa na naman ako ng new blog... na naman.... recently, wala na ko ginawa kundi maglipat ng blog.... within a week, 3 blog na ang nilipatan ko.... binuhay ko uli yung xanga account ko... tapos sa livejournal din.... ngayon pati blogdrive na.... ewan ko ba... hindi ata ako makuntento lately.... parang may gusto ako pero di ko naman alam kung ano.... labo....

siguro ganito lang talaga epekto ng pagiging brokenhearted.... hindi mapalagay.... hindi makuntento.... kailangan laging may ginagawa.... para madivert ang attention sa ibang bagay.... para sandaling tumigil ang pagbuhos ng mga luha....

bwiset.... simula ngayon.... bagong buhay na.... kakalimutan ko na siya.... langya cia.... he doesn't deserve me... HA!
Book of the Moment: still not in the mood to read....
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: weird
crumbled into pieces at 10:10 AM by cute_bratinella

January 24, 2005
I'm Over You....
hay... i'm tired... nag-cofacilitate kasi ako sa retreat ng school.... kapagod pero masaya.... lumalabas na naman ang social service side ko.... hehe.... masaya naman ako sa LSPO eh.... kaya nga ayoko umalis dun.... kahit busy sa studies, try ko pa rin mag-residency sa LSPO.... pero mukhang puro pagco-cofaci ang gagawin ko this term... ok lang.... marami na naman new friends... hehe....

grabe, nakapagreflect din ako, kahit na hindi ako participant.... napagod ako dun sa "to the hill" activity.... ang layo at ang taas kasi ng nilakad namin..... imagine, kasama ang mabibigat naming bags ha....

anyway, may time na gusto ko na sumuko.... pero bigla ko maiisip, hindi pwede.... kailangan maging matatag at harapin ang challenge.... kailangan magawa at matapos ko yun... oh di ba?? applicable yun sa real life.... ang seryoso ba?? hehe....

ok na ko.... hindi ko na poproblemahin si RG.... tuloy ang buhay kahit wala siya....

may rehearsal na naman ng play mamaya.... tinatamad ako.... pero kailangan pumunta.... di bale, masaya rin naman dun.... kaya lang hindi ko pa rin memorize yung lines ko.... patay....


Book of the Moment: wala pa rin... busy eh....
Song of the Moment: If The Feeling Is Gone by Kyla
Currently Feeling: numb
crumbled into pieces at 04:16 PM by cute_bratinella

January 24, 2005
Grad Pics...
omg... i feel so old na... i got my grad pics today... ang cute... i'll scan them and post them here soon.... aga noh... eh four terms pa ko sa school... meaning 1 year and 3 months pa bago ko graduate.... haha... wala lang... gusto ko lang makasabay sa yearbook ng batch para happy.... lolz....
Book of the Moment: wala eh....
Song of the Moment: Graduation by Vitamin C
Currently Feeling: satisfied
crumbled into pieces at 04:34 PM by cute_bratinella

January 26, 2005 This is a favorite post.
DLSU's Latest Trend....
hay... uwi ako sa house ngayon.... buti na lang kasi yung roomie ko umuwi rin... hehe....

yipee!!! walang class bukas.... ang saya... kasi supposedly, 5 subjects ko bukas... hehe.... pero may alternative class na dapat puntahan.... ok lang... 3 hours lang yun... mas ok na yun compared dun sa 6 hours straight kong sked.... honestly, hindi ko lam kung paano ako nakakasurvive pag tuesdays and thursdays.... basta ang alam ko at the end of those days, i feel ....

grabe latest fad sa school ngayon ang magbigayan ng grad pic... parang hindi na kami magkikita-kita noh?? eh sa next january pa naman ang graduation.... yun ay para lang sa mga hindi delayed.... pero i still can't get over the fact na astig yun grad pix namin.... hanep... parang sobrang naretoke yung mga faces namin.... bwahaha...

pero iba talaga.... obsess ang mga tao sa pangongolekta ng grad pix.... yun sa kin nga eh, ubos agad... mabenta... kinuha ko yun nung monday.... 12 na black and white, 12 na colored..... kahapon lang ubos na.... what's left is just enough for my family.... at kailangan ko pang magpa-recopy dahil isang baranggay pa ang nanghihingi ng pix ko.... iba talaga ang powers ko....

pang-starstruck!!!!


Book of the Moment: wala... i'm writing a novel instead... :)
Song of the Moment: Tattooed On My Mind
Currently Feeling: loved
crumbled into pieces at 06:44 PM by cute_bratinella

January 27, 2005
Running In Circles....
hay naku... i've really had enough... akala ko ok na uli.... nag-usap na nga kami nun tuesday eh... pero balik uli sa dati.... hindi na naman kami nagpapansinan.... ano bang problema mo??

yoko na talaga.... pagod na ko.... siguro hindi na talaga babalik sa dati ang lahat.... sayang naman....

di na kita nahintay kasi napapagod na ko... ayoko masaktan kaya ayoko na umasa.... i'll try to move on pero babagalan ko.... para kung sakali, mahabol mo pa ko...

walangya...
Book of the Moment: magazines....
Song of the Moment: My Happy Ending by Avril Lavigne
Currently Feeling: grumpy
crumbled into pieces at 03:36 PM by cute_bratinella

January 27, 2005
Coke Song...
"sana'y masabi sa awit kong ito, lahat ng ninanais nitong puso ko
sana saan man patungo sa buhay, may pag-ibig may pag-asa, may saya at saysay
sana sa bawat sandali'y matikman pa, sarap ng pagsasama at simpleng ligaya
tara na sakyan lang, malay mo....andyan lang, andyan lang ang hinahanap mo..."


hay... nakaka-LSS to noh?? i really like the message of the song... parang sakto sa kin...
Book of the Moment: emails....
Song of the Moment: coke song....
Currently Feeling: musical... hehe...
crumbled into pieces at 04:48 PM by cute_bratinella

January 28, 2005
Spanish Blood....
(You Know You're Spanish When...)


i saw that list in Blogthings.... that's just a joke but still totoo majority dun sa things na nakalista... funny.... hehe....
Book of the Moment: my former entries....
Song of the Moment: coke theme pa rin....
Currently Feeling: amused
crumbled into pieces at 04:20 PM by cute_bratinella

January 29, 2005 This is a favorite post.
WTF?!
aaarggghhhh... wala na kong ginawa kundi magmura since last night... bakit??

*hindi ako nakapunta sa green and white day concert kagabi... dahil may "membership talk" kami sa harlequin theatre guild (HTG)....

*hindi ko ineexpect na may initiation pala ang HTG...

*hindi ko ineexpect na iiyakan ko yung initiation na yun...

grabe... it was the first grean and white day tapos wala ako... tangina... buti sana kung ilang taon pa kong magtatagal sa DLSU eh... kaso hindi eh.... 1 year and 1 term na lang ako... oh well, at least maaabutan ko pa yun green and white day next school year (if ever meron nga ulit nun)....

hay... grabe... namamaga ang mata ko... bakit?? dahil sa sobrang iyak... oo umiyak ako ng umiyak sa initiation kagabi... eh di pa nga nagsisimula, naiiyak na ko eh...

isa-isa kasi kaming papasok dun sa room... punyeta, ako yung huling pinapasok... imagine kung gaano kakaba yun para sa kin... tapos naririnig mong nagsisigawan at nag-iiyakan yung mga tao sa loob ng room.... pucha, feeling ko mapapraning na ko, buti pinapasok din ako agad...

pero scary sa loob... ang dilim... yung light lang sa OHP yung bukas... tapos.... sorry hindi ko pwede ilagay dito kung ano pinagawa sa amin... kasi it's supposed to be a secret within the guild.... basta let's just say na we, the apprentices, had to beg for a one peso coin from any member of the executive board to be able to leave the room... needless to say, it wasn't that easy... my eyes (at this point) ang pruweba kung gaano ko pinaghirapan yung piso na yun...

tangina... yun na ata yung pinaka-valuable na piso sa buhay ko... i'll never spend it... ever.... kung pwede, ipapaframe ko pa yun... langya talaga.... sobrang memorable sa kin yung initiation na yun...

tama si ate patti, siguro nga it will take time bago namin ma-feel at ma-realize yung meaning at halaga nung pinagawa sa amin... as of now, feeling ko sobra talaga yung ginawa nila... siguro nga, in due time, i'll look back at that moment and realize what they're trying to teach us.... pero as of this moment, tangina talaga...
Book of the Moment: emails pa rin....
Song of the Moment: Can We Still Be Friends (para kay RG)
Currently Feeling: annoyed
crumbled into pieces at 02:48 PM by cute_bratinella

January 31, 2005
The Usual.....
as usual, busy na naman ako sa rehearsals... malapit na kasi yung show.... sana lang wag akong atakihin ng kaba sa mismong araw ng show....

hay, as usual, hindi pa rin kami nagpapansinan ni RG... pero hindi na ko gaanong affected.... haha.... actually, wala na ko pakialam kung bakit ayaw niya mamansin.... basta i had enough.... bahal siya sa buhay niya.... madami namang iba dyan.... mapapalitan ko rin siya....

nagpa-xray ako kanina.... required kasi sa school.... tinatamad pa nga ako eh... tsaka naghahanap pa ko ng kasabay.... kaya lang niyaya ako ni James kanina.... ok na rin.... at least tapos na ko magpa-xray.... may physical exam pa.... nakakatamad naman....
Book of the Moment: emails... ang dami eh!!!!
Song of the Moment: wala eh... ang tahimik ng mundo ko ngayon....
Currently Feeling: nauseated
crumbled into pieces at 06:58 PM by cute_bratinella


fallen star
my dream is my reality... i live in my own world... far from the trivialities of humankind... criticize me all you want, i wouldn't care less...

I walk this empty street on the boulevard of broken dreams... Don't know were it goes but its home and I walk alone...
your name:

url:

your message:



*HUGS* TOTAL!
give cute bratinella more *HUGS*
Get hugs of your own

Blogarama - The Blog Directory